top of page
All Articles
Search


TOYCON PH kinilala sa AMPEX 2026
Photo Courtesy: TOYCON PH: The Philippine Toys, Hobbies and Collectibles Convention TAGUIG CITY — Kinilala ang TOYCON PH bilang bahagi ng creative industry sa larangan ng design sa ginanap na DTI Malikhaing Pinoy Creative Industries Expo (AMPEX) 2026 nitong weekend. Kasabay ng pagkilala, tampok din sa expo ang mga gawa ng mga lokal na toy designer, na nagbigay-puwang upang maipakita ang art toys at collectible figures bilang bahagi ng lumalawak na creative sector sa Pilipinas
Paul Sanvictores
Sep 201 min read


Mga residente ng Calumpit nag-rally kontra baha
CALUMPIT, Bulacan — Nagsagawa ng People’s Rally ang mga residente ng Calumpit ngayong Linggo, Setyembre 20, upang manawagan ng pangmatagalang solusyon sa pagbaha at pananagutan kaugnay ng mga alegasyon ng anomalya sa flood-control projects. Ayon sa mga residente, maraming komunidad sa bayan ang nananatiling binabaha matapos ang halos dalawang buwan. Matagal nang kabilang ang Calumpit sa mga flood-prone na lugar sa Bulacan, habang naiulat din nitong mga nakaraang buwan ang pat
Xander Tiongson
Sep 201 min read


Mga residente ng Hagonoy nagprotesta sa gitna ng baha
HAGONOY, Bulacan — Sa kabila ng abot-binting baha dulot ng high tide, ipinagpatuloy ng ilang residente ng Hagonoy ang kanilang pagkilos nitong Linggo, Setyembre 20, upang ipanawagan ang aksyon sa patuloy na problema sa pagbaha sa kanilang lugar. Kasabay nito, nagpahayag din ang mga kalahok ng kanilang pagtutol sa korapsiyon at nanawagan ng pananagutan kaugnay ng mga suliraning kinakaharap ng kanilang komunidad. Isinagawa ang protesta habang nakalubog sa baha ang ilang bahagi

Eury Peralta
Sep 201 min read


Mahinang Habagat makaaapekto sa Southern Luzon, Visayas
Mahinang Habagat o Southwest Monsoon ang nakaaapekto sa western section ng Southern Luzon at inaasahang patuloy na makaaapekto sa ilang bahagi ng Southern Luzon at Visayas hanggang Miyerkules. Sa kasalukuyan, wala namang bagong bagyo o Low Pressure Area (LPA) na binabantayan sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Ang bagyong may international name na “Dujuan” ay hindi inaasahang papasok sa PAR habang patuloy itong kumikilos patungo sa Japan. Generally fa
Lex Aya-ay
Sep 201 min read


Libreng legal consultation bukas sa Pulilan ngayong Lunes at Huwebes
PULILAN, Bulacan — Magbibigay ng libreng legal consultation at advice ang Office of the Vice Mayor ng Pulilan ngayong Lunes, Setyembre 21, at Huwebes, Setyembre 24, sa ilalim ng programang “Legal na Payo para sa Pulilenyo.” Bukas ang tanggapan mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon para sa mga residenteng nangangailangan ng legal na gabay at konsultasyon sa iba't ibang usapin. Layunin ng programa na magkaroon ng madaling mapuntahan ang mga Pulilenyo para makapagtanong at m
Nancy B. Cruz
Sep 201 min read


9 arestado sa anti-drug operations sa Bulacan; ₱199K shabu nasamsam
MALOLOS CITY, Bulacan — Siyam na indibidwal ang naaresto habang mahigit ₱199,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa magkakahiwalay na buy-bust operations ng Bulacan Police Provincial Office (PPO). Ayon sa Bulacan PPO, kabuuang 21 sachet ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱199,512, isang caliber .38 na baril, mga bala at buy-bust money ang nakumpiska sa mga operasyon. Sa San Jose del Monte, apat na drug suspects ang naaresto sa buy-bust operation sa
Nancy B. Cruz
Sep 201 min read


Salin-Lente students sumabak sa ikalawang bahagi ng practical radio broadcasting training
PULILAN, Bulacan — Sumabak sa serye ng practical exercises sa radio broadcasting ang mga student members ng Salin-Lente: Pulilan Film Society bilang ikalawang bahagi ng kanilang media training na ginanap sa headquarters ni Pulilan Vice Mayor Atty. Imee Cruz. Nakatuon ang training sa aktuwal na pagsasanay sa news reporting at radio commentary, kung saan inilapat ng mga participants ang tamang delivery, articulation at modulation sa pagbabalita at pagbibigay ng komentaryo. Sinu

Isha Reyes
Sep 191 min read


‘Dujuan’ isa nang Typhoon; bagong LPA binabantayan sa labas ng PAR
Lumakas bilang Typhoon ang bagyong may international name na “Dujuan”, na dating mino-monitor bilang LPA 09d, habang nananatili ito sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Setyembre 19. Batay sa monitoring alas-2:00 ng madaling araw, patuloy na binabantayan ang “Dujuan” sa labas ng PAR. Samantala, isa pang Low Pressure Area (LPA 09f) ang namataan sa labas ng PAR. Ayon sa monitoring, “unlikely” o mababa ang posibilidad nitong maging Tropical Depression sa l
Lex Aya-ay
Sep 191 min read


Pamamaril sa Banga National High School, iniimbestigahan
BANGA, South Cotabato — Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pamamaril sa Banga National High School nitong Biyernes, Setyembre 18, na nagresulta sa pagkamatay at pagkasugat ng ilang estudyante. Magkakaiba pa ang bilang ng mga biktimang inilalabas ng mga ahensya. Sa isang naunang ulat, dalawang nasawi at pito ang sugatan, habang kalaunan ay sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na anim na estudyante ang nasawi at 17 ang sugatan. Agad namang sinuspinde
Nancy B. Cruz
Sep 181 min read


LPA tatawid sa Palawan; ‘Dujuan’ hindi inaasahang papasok sa PAR
Patuloy na binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa coastal waters ng Dumaran, Palawan ngayong Setyembre 18 at inaasahang magdadala ng pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas at ilang bahagi ng Mindanao. Ayon sa weather update, tumatawid ang LPA sa Palawan at patuloy na kikilos pakanluran. Hindi ito inaasahang magiging tropical cyclone sa loob ng susunod na 24 oras at posibleng humina o tuluyang malusaw kapag nakarating sa West Philippine Sea. Dahil sa LPA, inaasaha
Lex Aya-ay
Sep 181 min read


Top 2 most wanted ng Pandi arestado sa Malolos
Arestado ang isang 48-anyos na lalaki na kabilang umano sa Top 2 Most Wanted Persons – Municipal Level ng Pandi matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kanya noong Setyembre 16 sa Barangay Mojon, Malolos City. Ayon kay PLTCOL Norheda G. Usman, Acting Force Commander ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), kinilala ang akusado sa alyas na “Amado,” isang driver at residente ng Tondo, Manila. Naaresto siya bandang alas-9:45 ng gabi ng Tracker Team n

Isha Reyes
Sep 181 min read


Most wanted person sa SJDM arestado sa drug case
SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan — Arestado ang isang lalaking kabilang sa City Level Most Wanted Persons ng San Jose del Monte matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kanya noong Setyembre 16 sa Road 2, Daang Barrio, Barangay Gaya-gaya. Ayon kay PLTCOL Nelson M. Sardin, Chief of Police ng San Jose del Monte City Police Station (SJDM CPS), kinilala ang akusado sa alyas na “Vin,” residente ng Barangay Dulong Bayan. Naaresto siya bandang alas-12:29 ng tan
Xander Tiongson
Sep 181 min read
bottom of page


