top of page
All Articles
Search


Youth wellness program isinagawa para sa mga kabataan ng Dampol 1st
PULILAN, Bulacan — Isinagawa ang pagtatapos ng Thrive: Youth Wellness & Choices sa Rufino A. Cruz Memorial High School ngayong Setyembre 27, na nilahukan ng mga kabataan mula sa Barangay Dampol 1st. Isinagawa ang programa sa suporta ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa pangunguna nina Mayor Rolando Peralta Jr. at Vice Mayor Atty. Imee Cruz, na nagbigay rin ng mensahe para sa mga kabataang kalahok. Pinangasiwaan ang aktibidad ng Municipal Population Office sa pamumuno ni Donna S
Lex Aya-ay
Sep 261 min read


Mahabang pila naitala sa ilang bahagi ng NLEX
Naitala ang hanggang 1.8 kilometrong traffic buildup sa Mindanao Exit dahil sa dami ng mga sasakyan, batay sa traffic update alas-5:10 ng hapon ngayong Setyembre 25. Sa Balintawak Toll Plaza, umabot sa humigit-kumulang 150 metro ang pila sa regular RFID lanes at 200 metro naman sa RFID installation lanes. Nasa 200 metro rin ang pila sa Mindanao Toll Plaza. Sa Bocaue Toll Plaza, nasa 100 metro ang vehicle queue sa right-side portion. Samantala, magaan ang daloy ng trapiko sa S
Nancy B. Cruz
Sep 251 min read


Marcos nilagdaan ang batas na nagpapaliban sa BSKE sa 2028
Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagpapaliban sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) hanggang 2028, ayon sa kumpirmasyon ng Malacañang ngayong Setyembre 25. Sa ilalim ng Republic Act No. 12326, itinakda ang susunod na regular BSKE sa Nobyembre 13, 2028. Pinalawig din ng bagong batas sa limang taon ang termino ng mga halal na barangay at Sangguniang Kabataan officials. Dahil sa bagong batas, hindi na matutuloy ang BSKE na dating nakata

Eury Peralta
Sep 251 min read


‘Queenie’ binabantayan na sa loob ng PAR
Binabantayan na sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm “Queenie,” na dating mino-monitor bilang LPA 09g, ayon sa monitoring update alas-2:00 ng hapon ngayong Setyembre 24. Pumasok na sa PAR ang weather disturbance at kasalukuyang nasa antas ng Tropical Storm. Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga susunod na bulletin at opisyal na weather updates mula sa DOST-PAGASA para sa magiging galaw at posibleng epekto ng bagyo.
Lex Aya-ay
Sep 241 min read


Pulilan PNP nagsagawa ng school safety information drive
PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ang Pulilan Municipal Police Station ng school visitation at information drive sa Bajet-Castillo National High School bilang bahagi ng kampanya para sa kaligtasan at kamalayan ng mga mag-aaral. Tinalakay sa aktibidad ang anti-bullying, Safe Spaces Act o Republic Act No. 11313, bomb threat awareness, at responsableng pag-uugali upang mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante sa mga usaping may kaugnayan sa kanilang seguridad. Pinangunahan ang aktibi
Xander Tiongson
Sep 241 min read


Libreng cervical Pap smear available sa Pulilan RHU I
PULILAN, Bulacan — Nag-aalok ang Municipal Health Office (MHO) ng Pulilan ng libreng cervical Pap smear para sa mga kababaihan bilang bahagi ng programa para sa pangangalaga sa kalusugan at maagang pagtuklas ng cervical cancer. Isinasagawa ang libreng screening tuwing Martes at Huwebes, mula 2:00 p.m. hanggang 5:00 p.m., sa Rural Health Unit I (RHU I). Ang Pap smear ay isang screening procedure na ginagamit upang matukoy ang abnormal na pagbabago sa mga selula ng cervix na ma

Isha Reyes
Sep 241 min read


4Ps implementation tinalakay sa Municipal Advisory Council meeting
PULILAN, Bulacan — Nakiisa ang Tanggapan ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz sa 3rd Quarter Municipal Advisory Council (MAC) Meeting na ginanap ngayong Setyembre 24 sa Old Municipal Building sa Barangay Poblacion, Pulilan. Nakatuon ang pagpupulong sa koordinasyon ng iba't ibang tanggapan at sektor kaugnay ng pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang programang nakatuon sa kapakanan ng mga pamilya sa bayan. Layunin ng Municipal Advisory Council meeting na

Isha Reyes
Sep 241 min read


1,684 job vacancies inalok sa Pulilan Job Fair 2026
PULILAN, Bulacan — Umabot sa 1,684 job vacancies ang inalok sa mga job seeker sa Pulilan Job Fair 2026 na ginanap ngayong Setyembre 24 sa SM Center Pulilan. Pinangunahan ng Public Employment Service Office (PESO) Pulilan ang aktibidad na nagsimula alas-10:00 ng umaga at nagpatuloy hanggang alas-3:00 ng hapon. Nagbigay ang job fair ng pagkakataon sa mga aplikante na makapili at makapag-apply sa mga bakanteng posisyon batay sa kanilang kakayahan, karanasan at interes. Bahagi an

Eury Peralta
Sep 241 min read


Senate impeachment court ibinaba ang conviction threshold sa kaso ni VP Sara
Nagpasya ang Senate impeachment court ngayong Miyerkules, Setyembre 23, na ibaba ang bilang ng mga botong kinakailangan upang ma-convict si Vice President Sara Duterte sa kanyang impeachment trial. Naging desisyon ito matapos marinig ng impeachment court ang oral arguments ng House prosecution panel at defense team hinggil sa voting threshold. Nag-ugat ang usapin sa motion for reconsideration ni Senator-Judge Erwin Tulfo laban sa naunang ruling ni Presiding Officer Francis “C
Nancy B. Cruz
Sep 231 min read


Pulilan PNP nakiisa sa Candidates’ Forum para sa BSKE
PULILAN, Bulacan — Nakiisa ang Pulilan Municipal Police Station sa Candidates’ Forum na pinangunahan ng COMELEC Pulilan ngayong Miyerkules ng umaga sa Pulilan Gymnasium, Barangay Poblacion. Tinalakay sa aktibidad ang mga paalala para sa mga aspirante, incumbent barangay officials at iba pang stakeholders hinggil sa responsableng pakikilahok sa halalan at pagsunod sa mga umiiral na election laws at regulations. Hinikayat ni Pulilan police chief PLTCOL Eric C. Cister ang mga as
Lex Aya-ay
Sep 231 min read


Lalaki arestado matapos makuhanan ng ‘sumpak’ sa Bustos
BUSTOS, Bulacan — Arestado ang isang lalaki matapos umanong makuhanan ng improvised handgun o “sumpak” habang nagsasagawa ng mobile patrol ang mga tauhan ng Bustos Municipal Police Station sa Barangay Malamig, Bustos, bandang 9:30 p.m. noong Setyembre 22. Ayon sa ulat ni PCPT Heherson M. Zambale, officer-in-charge ng Bustos MPS, napansin ng mga nagpapatrolyang pulis ang isang lalaking walang pang-itaas na damit na nakaupo malapit sa isang maliit na tulay sa Purok 3. Nilapitan
Xander Tiongson
Sep 231 min read


Libreng cybersecurity seminar para sa MSMEs gaganapin sa Pulilan
PULILAN, Bulacan — Isang libreng cybersecurity seminar para sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), entrepreneurs at business owners ang gaganapin sa Pulilan sa Oktubre 2, 2026, alas-1:00 ng hapon. Pinamagatang “Cyber Ready for MSMEs: Protecting Your Business Online,” layunin ng seminar na mabigyan ang mga negosyante ng praktikal na kaalaman sa pagprotekta ng kanilang business accounts at mahahalagang impormasyon laban sa iba't ibang digital risks at online threat

Eury Peralta
Sep 231 min read
bottom of page


