top of page
All Articles
Search


PHIVOLCS: Pangalawang Minor Phreatomagmatic Eruption Naitala sa Bulkang Taal
Itinala na “second minor phreatomagmatic eruption” ang nangyari sa Bulkang Taal kaninang 8:09 pm hanggang 8:13 pm. Ayon sa PHIVOLCS, ang bulkan ay naglabas ng mga bugso ng abo at usok na puno ng singaw na umabot sa 2,800 metro ang taas mula sa bunganga ng bulkan. Ang pangyayari ay umabot sa apat na minuto batay sa seismic, infrasound, at visual observation gamit ang thermal camera. Ang mga kuha ng video ng thermal camera ay mula sa observation station ng thermal camera sa Daa
Bhryx Mercado Garcia
Jul 221 min read


2 menor de edad, pinagsasaksak ng sariling tiyuhin
Pinagsasaksak ng tiyuhin ang dalawang menor de edad na kaniyang mga pamangkin matapos mag-amok sa Manjuyod, Negros Oriental. Lumabas sa imbestigasyon noong Martes na nanananghalian noon ang nasawing biktima, nakatatandang kapatid niya, at apat pang bata sa bahay ng kanilang lolo nang mag-amok ang suspek. Ayon sa imbestigasyon, ang dalawang menor de edad ay 11-anyos at 16-anyos. Ang kaniyang 11-anyos na pamangkin ay nasawi matapos niya itong saksakin, habang ang 16-anyos naman
Lhanz Moises T. Samson
Jul 211 min read


UPDATE: Sunog sa likod ng McDonald's Pulilan, naapula sa loob ng mahigit 20 minuto
PULILAN, Bulacan — Naapula na ang sunog na naganap sa isang bahay sa Sta. Peregrina, sa likod ng McDonald's Pulilan, matapos ang agarang pagtugon ng mga awtoridad nitong umaga. Ayon sa mga responder, natanggap ang tawag ukol sa insidente dakong 10:06 a.m. Agad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) Pulilan, katuwang ang Pulilan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Rescue Team, upang magsagawa ng firefighting operations at mapigilan a

Isha Reyes
Jul 211 min read


Video ng umano'y sunog sa likod ng McDonald's Pulilan, ibinahagi ng netizen
PULILAN, Bulacan — Isang video na nagpapakita ng makapal na puting usok na umano'y nagmumula sa likod ng McDonald's Pulilan ang ibinahagi sa Facebook ng netizen na si Maricel M. Cruz. Sa nasabing video, makikita ang makapal na usok na tumataas mula sa lugar habang inoobserbahan ito ng ilang tao sa paligid. Ayon sa impormasyong kalakip ng video, may naganap na sunog sa naturang lokasyon. Sa oras ng pag-uulat, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang Bureau of Fire Protec

Isha Reyes
Jul 211 min read


LPA sa labas ng PAR, nananatiling may katamtamang tsansang maging tropical depression
Patuloy na mino-monitor ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA 07d) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa weather bulletin na inilabas alas-2:00 ng madaling araw ngayong Hulyo 21. Ayon sa state weather bureau, nananatiling may katamtamang posibilidad (medium chance) ang LPA na lumakas at maging isang tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras. Sa kasalukuyan, wala pang direktang epekto sa bansa ang nasabing sama ng panahon dahil nananatili ito

Isha Reyes
Jul 211 min read


Ika-7 Araw ng Impeachment Trial ni VP Sara Duterte, Nagpatuloy sa Senado
Nagpapatuloy ngayong Lunes, Hulyo 20, 2026, ang ikapitong araw ng impeachment trial ni VP. Sara Duterte sa Senado, kung saan tinalakay ng impeachment court ang mga mosyon at ebidensyang inihain ng magkabilang panig. Isa sa mga pangunahing isyung pinag-uusapan ay ang kahilingan ng prosecution na makakuha ng subpoena para sa ilang financial records ni Sara Duterte at ng kanyang asawa bilang bahagi ng kanilang presentasyon ng ebidensya. Samantala, iginiit naman ng depensa na wal
Henrix Labajo
Jul 201 min read


Bagong gusali ng Pulilan Municipal Police Station, pinasinayaan
PULILAN, Bulacan — Pormal na pinasinayaan at binasbasan ang Newly Constructed Standard Building ng Pulilan Municipal Police Station sa isang seremonyang dinaluhan ng mga opisyal ng Philippine National Police, lokal na pamahalaan, at iba pang panauhin. Nanguna sa mga dumalo si PBGen. Jess B. Mendez, Regional Director ng Police Regional Office 3, kasama sina PCOL Jay B. Baybayan, PLTCOL Eric C. Cister, Vice Mayor Atty. Imee Cruz, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Punong Ba

Isha Reyes
Jul 201 min read


Low Pressure Area sa labas ng PAR, may katamtamang tsansang maging tropical depression
Isang Low Pressure Area (LPA 07d) ang patuloy na mino-monitor ng PAGASA habang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa weather bulletin na inilabas alas-8:00 ng gabi ngayong Hulyo 20. Ayon sa PAGASA, ang nasabing LPA ay may katamtamang posibilidad (medium chance) na lumakas at maging isang tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras. Bagama't wala pa sa loob ng PAR ang sama ng panahon, patuloy na sinusubaybayan ng state weather bureau ang galaw at

Isha Reyes
Jul 201 min read


Tatlong obra ng Pulilenyong artist, tampok sa international art exhibit sa Hong Kong
PULILAN, Bulacan — Isang karangalan para sa bayan ng Pulilan ang pagkakapili sa tatlong obra ng lokal na artist na si Mejeyd Tribo upang maging bahagi ng isang Christian-themed art exhibit sa Hong Kong. Ang pagkakasama ng kaniyang mga likhang-sining sa isang international exhibition ay nagsisilbing pagkilala sa talento at husay ng mga Pulilenyo sa larangan ng sining, gayundin sa kakayahan nilang maipakita ang kanilang kultura at pananampalataya sa pandaigdigang entablado. Ayo
Nancy B. Cruz
Jul 191 min read


Feeding Program, naghatid ng masustansyang almusal sa Brgy. Taal
PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ng Feeding Program sa Brgy. Taal ang mga katuwang ng lokal na pamahalaan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month, na naglalayong magbigay ng masustansyang pagkain sa mga residente ng komunidad. Nakiisa sa programa ang AIC Volunteers at BJMP Pulilan, na tumulong sa paghahanda at pamamahagi ng mainit na almusal sa mga benepisyaryo. Layunin ng feeding program na isulong ang wastong nutrisyon at hikayatin ang sama-samang pakikilahok ng iba't i

Isha Reyes
Jul 191 min read


Tree Planting Activity, isinagawa ng Rotary Club of Pulilan Diamonds at MENRO
PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Rotary Club of Pulilan Diamonds sa pakikipagtulungan ng Pulilan Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa pangangalaga at pagpapanumbalik ng kalikasan. Nakiisa sa aktibidad si Vice Mayor Atty. Imee Cruz kasama ang iba pang mga kalahok sa pagtatanim ng mga punla bilang suporta sa mga programang naglalayong mapalawak ang mga luntiang espasyo at mapangalagaan ang k

Isha Reyes
Jul 181 min read


Salin-Lente, nagsagawa ng lingguhang media training at halalan ng Batch 2 trainee officers
PULILAN, Bulacan — Isinagawa ng Salin-Lente: Pulilan Film Society ang kanilang lingguhang training noong Hulyo 18 sa Pavillon II ng Atty. Imee Cruz Headquarters sa Brgy. Sto. Cristo, Pulilan. Dinaluhan ang aktibidad ng mga mag-aaral mula Grade 8 pataas na nagmumula sa iba't ibang pampublikong paaralan sa bayan. Bahagi ng programa ang halalan ng mga opisyal ng Batch 2 Trainees, na magsisilbing kinatawan at mangunguna sa mga gawain ng bagong pangkat ng mga trainees. Kasunod ng

Isha Reyes
Jul 181 min read
bottom of page


