top of page
All Articles
Search


PhilHealth registration para sa mga 18 taong gulang pataas, bukas na sa Pulilan Municipal Health Office
PULILAN, Bulacan — Maaaring magparehistro bilang miyembro ng PhilHealth ang lahat ng mga residente ng Pulilan na may edad 18 taong gulang pataas sa Pulilan Municipal Health Office. Kinakailangan lamang na magsumite ng PhilHealth Membership Registration Form (PMRF), na maaaring kunin sa RHU 1, kasama ang PSA Birth Certificate o anumang valid government-issued ID tulad ng passport, driver's license, UMID, SSS, GSIS, o PRC ID. Isinasagawa ang pagpaparehistro sa Pulilan Municipal
Lex Aya-ay
Jul 141 min read


Livelihood training sa paggawa ng car shampoo at iba pang produkto, isinagawa sa Pulilan
PULILAN, Bulacan — Isinagawa noong Hulyo 8 ang Car Shampoo, Air Freshener, at Shampoo Bar Making Training sa PESO Training Center ng Pulilan bilang bahagi ng patuloy na programa ng lokal na pamahalaan para sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga residente. Layunin ng pagsasanay na mabigyan ang mga kalahok ng karagdagang kaalaman at kasanayan sa paggawa ng mga produktong maaaring maging pundasyon ng maliit na negosyo o karagdagang mapagkakakitaan. Sa pamamagitan ng livelihood trai
Lex Aya-ay
Jul 141 min read


Tropical Storm Haishen, lumakas sa labas ng PAR
Lumakas na bilang isang tropical storm ang dating tropical depression na may international name na Haishen, ayon sa weather bulletin ng PAGASA na inilabas alas-8:00 ng gabi noong Hulyo 13. Ayon sa PAGASA, ang Tropical Storm Haishen ay kasalukuyang mino-monitor habang nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Sa kasalukuyan, wala pa itong direktang epekto sa bansa. Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang galaw at lakas ng Tropical Storm Haishen at hinihikayat ang
Lex Aya-ay
Jul 131 min read


Klase sa lahat ng antas sa Pulilan, suspendido dahil sa Habagat at Bagyong Inday
PULILAN, Bulacan — Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Pulilan bukas, ayon sa anunsyo ng DILG Bulacan. Ang suspensyon ng klase ay ipinatupad dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat na pinalalakas ng Bagyong Inday. Pinapayuhan ang mga residente, lalo na ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang, na manatiling alerto sa lagay ng panahon at sundin ang mga abiso ng mga kinauukulang ahensya upang
Nancy B. Cruz
Jul 121 min read


Legal Awareness Seminar, isinagawa sa Brgy. Paltao
PULILAN, Bulacan — Nakiisa ang Tanggapan ng Pangalawang Punongbayan ng Pulilan, sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz, sa isinagawang Legal Awareness Seminar sa Brgy. Paltao Covered Court na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga residente hinggil sa mahahalagang batas at usaping pangkaligtasan. Tinalakay sa seminar ang iba't ibang paksa kaugnay ng Dangerous Drugs, Violence Against Women and Children (VAWC), at Child Protection, na pawang mahalagang isyu sa pagpapana
Lex Aya-ay
Jul 111 min read


Aklat na "Campus Journalism 101," inilunsad sa Pulilan
PULILAN, Bulacan — Matagumpay na inilunsad ni Sir William C. Ortega ang kaniyang aklat na Campus Journalism 101 noong Hulyo 9 sa Pulilan District Hall na matatagpuan sa Pulilan Central School. Dinaluhan ng mga guro at school paper advisers ang book launching, kung saan ipinakilala ang aklat na naglalayong magsilbing gabay sa pagtuturo at pagpapaunlad ng campus journalism sa mga paaralan. Ayon sa mga dumalo, malaking tulong ang Campus Journalism 101 sa mga school paper adviser
Nancy B. Cruz
Jul 91 min read


Municipal Nutrition Committee, nagsagawa ng ikalawang quarter meeting sa Pulilan
PULILAN, Bulacan — Isinagawa ngayong Hulyo 9 ang 2nd Quarter Municipal Nutrition Committee (MNC) Meeting sa Aurelio Plamenco Hall ng Munisipyo ng Pulilan upang talakayin ang mga programa at inisyatiba para sa pagpapabuti ng nutrisyon at kalusugan ng mga residente. Dinaluhan ang pagpupulong ng mga miyembro ng Municipal Nutrition Committee at mga kinatawan mula sa iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan. Sa isinagawang pulong, tinalakay ang mga kasalukuyang progra
Nancy B. Cruz
Jul 91 min read


School-Based Feeding Program at Milk Feeding Activity, inilunsad sa Pulilan Central School
PULILAN, Bulacan — Pormal na inilunsad noong Hulyo 8 ang National Kick-Off ng School-Based Feeding Program at Milk Feeding Activity sa Pulilan Central School, na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. Layunin ng programa na mapabuti ang kalagayang pangnutrisyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng regular na school-based feeding at milk feeding, bilang bahagi ng mga hakbang ng pamahalaan upang suportahan ang kanilang kalusugan at pagkatuto. Sa paglulunsad ng pro
Lex Aya-ay
Jul 81 min read


BFP Pulilan, nagbigay ng fire safety at emergency response coverage sa pagbisita ng Pangulo
Photo courtesy: Pulilan Fire Station BFP R3 PULILAN, Bulacan — Nagpatupad ang Bureau of Fire Protection (BFP) Pulilan ng fire safety at emergency response coverage noong Hulyo 8 kaugnay ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa bayan ng Pulilan para sa National Kick-Off ng School-Based Feeding Program (SBFP) at Milk Feeding Activity. Pinangunahan ang deployment ni FSSUPT Bernard T. Rosete, DSC, Acting Regional Director ng BFP Region 3, sa ilalim ng superbisyon ni F
Nancy B. Cruz
Jul 81 min read


BFP Pulilan, dumalo sa public hearing kaugnay ng reklamo laban sa junk shop sa Brgy. Sto. Cristo
Photo Courtesy: Pulilan Fire Station BFP R3 PULILAN, Bulacan — Dumalo ang mga tauhan ng Pulilan Fire Station sa isang public hearing noong Hulyo 9 kaugnay ng reklamong inihain laban sa operasyon ng isang junk shop sa Brgy. Sto. Cristo, Pulilan. Pinangunahan ang pagdalo ng BFP sa ilalim ni FSSUPT Bernard T. Rosete, DSC, Acting Regional Director ng BFP Region 3, sa superbisyon ni FSSUPT Jose Raymund B. Manimbo, DSC, Provincial Fire Marshal ng BFP Bulacan, at sa pamumuno ni FSIN
Lex Aya-ay
Jul 81 min read


"The Magician", bumisita sa Pulilan
Dinumog ng mga residente at mga tagahanga ng bilyar ang nasabing exhibition game upang personal na mapanood ang isa sa pinakadakilang manlalaro ng bilyar sa kasaysayan. Sa kanyang pagbisita, ipinamalas ni Reyes ang kanyang pambihirang husay, estratehiya, at mga kahanga-hangang tira na naging dahilan upang siya ay makilala at hangaan sa buong mundo. Naging isang espesyal na pagkakataon para sa mga Pulilenyo ang makasama at makita nang personal ang alamat ng Philippine billiard
Lex Aya-ay
Jul 51 min read


Atty. Imee Cruz, Youth in Action; Namahagi ng almusal sa Brgy. Inaon
PULILAN, Bulacan — Naghatid ng mainit na lugaw at sopas sina Vice Mayor Atty. Imee Cruz, kasama ang mga boluntaryo ng Youth in Action Pulilan, para sa mga bata sa Barangay Inaon bilang bahagi ng kanilang patuloy na programa ng paglilingkod sa komunidad. Bukod sa pamamahagi ng almusal, naging pagkakataon din ang pagbisita upang personal na makumusta ang mga residente at makipagkuwentuhan sa mga Pulilenyo tungkol sa kanilang kalagayan at pangangailangan. Ayon kay Vice Mayor Cru
Lex Aya-ay
Jul 41 min read
bottom of page


