top of page
All Articles
Search


Project NOAH gagamit ng ₱1-B pondo para sa high-resolution flood mapping
MANILA, Philippines — Gagamitin ng Project Nationwide Operational Assessment of Hazards (Project NOAH) ang bagong ₱1 bilyong pondo nito upang palakasin ang flood management at makabuo ng mas detalyadong hazard information para sa mga lugar na nanganganib sa pagbaha sa bansa. Ayon kay University of the Philippines professor at Project NOAH Executive Director Mahar Lagmay, kabilang sa paggagamitan ng pondo ang paggawa ng high-resolution mapping ng mga pangunahing river basin at
Lex Aya-ay
Aug 291 min read


RED WARNING sa Bulacan; Pulilan kabilang sa mga lugar na nanganganib sa malubhang pagbaha
BULACAN — Itinaas sa Red Rainfall Warning Level ang Bulacan, kabilang ang Bayan ng Pulilan, dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat ngayong Sabado, Agosto 29. Batay sa Heavy Rainfall Warning No. 16 na inilabas alas-2:00 ng hapon, nasa Red Warning din ang Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac, Metro Manila, Cavite, Rizal, at ilang bahagi ng Batangas. Sa ilalim ng Red Warning Level, may seryosong banta ng pagbaha, dahilan upang payuhan ang mga residente s
Xander Tiongson
Aug 291 min read


Ilang kalsada sa Bulacan nananatiling baha, hindi madaanan ng mga sasakyan
BULACAN — Ilang kalsada sa iba't ibang bahagi ng Bulacan ang nananatiling baha at hindi madaanan ng ilang uri ng sasakyan hanggang alas-11:00 ng umaga ngayong Agosto 29. Sa Hagonoy, nananatiling baha ang mga kalsada sa Iba, Palapat, Sagrada Familia, San Agustin, San Isidro, San Juan, San Miguel, San Nicolas, San Pascual, San Sebastian, Sta. Cruz, Sta. Monica, Sto. Niño, Sto. Rosario, at Tampok. Sa Calumpit, baha pa rin ang ilang kalsada sa Brgy. Meysulao, Gugo, Calizon, Bulus

Isha Reyes
Aug 291 min read


300 kabataan sa Hagonoy, nanawagan ng pananagutan sa umano’y maanomalyang flood control projects
HAGONOY, Bulacan — Tinatayang 300 kabataan sa Brgy. San Agustin, Hagonoy ang nanawagan ng pananagutan kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects habang ginugunita ang Linggo ng Kabataan noong Agosto 23. “Ikulong na ’yan, mga kurakot!” ang naging panawagan ng mga kabataang lumusong sa baha bilang bahagi ng kanilang aktibidad. Ayon kay Sangguniang Kabataan Chairperson Erwin Dela Cruz, nakatuon ang kanilang panawagan sa mga alegasyon ng anomalya sa flood control proj

Eury Peralta
Aug 291 min read


IBP Lawyer of the Day office binuksan sa Bulacan Provincial Capitol
Photo Courtesy: Integrated Bar of the Philippines MALOLOS CITY, Bulacan — Pormal na pinasinayaan at binasbasan noong Agosto 28 ang nakalaang tanggapan para sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) Lawyer of the Day Initiative (LODI) sa loob ng Bulacan Provincial Capitol. Isinagawa ang pagbubukas sa pamamagitan ng Provincial Government of Bulacan, sa pangunguna ng Office of the Provincial Attorney, upang mas mailapit ang serbisyong legal sa mga Bulakenyong nangangailangan ng
Nancy B. Cruz
Aug 291 min read


2 arestado sa magkahiwalay na buy-bust sa Bulacan; ₱50K halaga ng hinihinalang shabu nasamsam
BULACAN — Dalawang drug suspect ang naaresto habang mahigit ₱50,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Meycauayan City at Doña Remedios Trinidad (DRT) noong Agosto 28, ayon sa Bulacan Police Provincial Office (PPO). Sa Brgy. Pajo, Meycauayan City, nagsagawa ng operasyon ang City Drug Enforcement Unit bandang alas-4:17 ng madaling araw. Ayon kay PLTCOL Melvin M. Florida Jr., hepe ng Meycauayan City Police Station, tatlong sachet
Lex Aya-ay
Aug 291 min read


Dalawang LPA binabantayan; isa nasa loob ng PAR
PILIPINAS — Dalawang Low Pressure Area (LPA) ang patuloy na binabantayan ngayong Sabado, Agosto 29, kabilang ang isa na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Batay sa monitoring alas-2:00 ng madaling araw, ang LPA 08i, na nasa loob ng PAR, ay may mababang tsansa (LOW) na maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras. Samantala, binabantayan din ang LPA 08j na nasa labas ng PAR at may katamtamang tsansa (MEDIUM) na maging Tropical Depression sa loob
Xander Tiongson
Aug 291 min read


Bulacan, asahan ang 50–100 mm na ulan hanggang Lunes dahil sa Habagat
BULACAN — Patuloy na makakaranas ang Bulacan ng 50 hanggang 100 millimeters (mm) ng ulan hanggang Lunes, Agosto 31, dahil sa Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa Weather Advisory No. 26 ng PAGASA na inilabas alas-5:00 ng umaga ngayong Sabado. Ngayong Agosto 29, kabilang ang Bulacan sa mga lugar na maaaring makatanggap ng 50–100 mm na ulan, habang mas mataas na 100–200 mm ang inaasahan sa Ilocos Sur, Pangasinan, La Union, Benguet, Bataan, Zambales, Tarlac, at Pampanga. Mananat

Isha Reyes
Aug 291 min read


Malinaw na Bag, Malabong Kinabukasan
Ang pagsusuot ng transparent bag ay isang solusyon na ginawa upang mapigilan ang pagdadala ng armas sa paaralan, Mas mapapadali at mapapabilis nito ang pag-iinspeksyon sa mga pumapasok sa eskwelahan. Tila napakagandang solusyon ito para pigilan ang pagdadala ng armas at maiwasan ang karahasan sa loob ng paaralan. Ngunit sa malinaw na bag, nakatago ang pinakamalalim na isyu. Mawawalan ng karapatan sa sariling gamit ang mga mag-aaral. Kung makikita ang lahat ng dala naming gami
Ashly Jane Cuenca
Aug 282 min read


29-TAONG GULANG NA LALAKI, PATAY MATAPOS SUNUGIN ANG SASAKYAN
Natagpuang patay ang isang lalaking dalawampu't siyam (29) na taong gulang na taga-Pulilan, Bulacan. Selos at tangkang pangingikil ang motibo ng Philippine National Police sa krimen. Wala nang buhay nang makita ang lalaki sa loob ng nasunog na sasakyan, gabi ng Agosto 4, sa isang farm sa Guiguinto, Bulacan.
Lhanz Moises T. Samson
Aug 281 min read


Ipo Dam magpapakawala ng tubig alas-9 ng gabi dahil sa Habagat
BULACAN — Inaasahang magpapakawala ng tubig ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan, alas-9:00 ng gabi ngayong Biyernes, Agosto 28, dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig dulot ng Habagat. Ayon sa Ipo Dam Management, kinakailangan ang pagpapakawala ng tubig bunsod ng pagtaas ng water level ng dam kasabay ng patuloy na pag-ulan. Pinapayuhan ang mga residente, partikular ang mga komunidad na malapit sa mga ilog at mabababang lugar sa downstream ng Ipo Dam, na manatiling alert

Eury Peralta
Aug 281 min read


Piso bumagsak sa P62.05 kada dolyar sa pagbubukas ng kalakalan
MANILA, Philippines — Nagbukas ang Philippine peso sa P62.05 kada US dollar nitong Biyernes, Agosto 28, matapos magsara sa panibagong record low noong nakaraang araw. Nagtapos ang piso sa P61.888 kada dolyar noong Huwebes, Agosto 27, na pinakamahinang closing level nito laban sa US currency. Nalampasan nito ang naunang record-low close na P61.847 kada dolyar na naitala noong Hulyo 24. Noong Agosto 19, umabot din ang piso sa dating intraday record low na P61.995 bago makabawi
Nancy B. Cruz
Aug 281 min read
bottom of page


