top of page
All Articles
Search


SSS Palengke Caravan, inilunsad sa Pulilan Public Market
PULILAN, Bulacan — Inilapit ng Social Security System (SSS) ang iba't ibang serbisyo nito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng SSS Palengke Caravan ngayong Agosto 28 sa New Pulilan Public Market. Isinagawa ang caravan mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon sa 2nd Floor Conference Room ng palengke upang mas mapadali ang pagproseso ng mga transaksyon ng mga stall owner, vendor, mamimili, pensioner, at iba pang residente ng Pulilan. Kabilang sa mga serbisyong maaaring
Nancy B. Cruz
Aug 271 min read


Dalawa arestado sa buy-bust sa Plaridel; ₱51K halaga ng hinihinalang shabu at baril nasamsam
Bulacan Police Provincial Office PLARIDEL, Bulacan — Dalawang indibidwal ang naaresto ng Plaridel Municipal Police Station (MPS) sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation sa Brgy. Banga 2nd, Plaridel, dakong alas-12:15 ng madaling araw ngayong Agosto 26. Ayon kay PLTCOL Restituto E. Granil, Chief of Police ng Plaridel MPS, kinilala ang mga naaresto sa mga alyas na “Eboy,” 28, at “Nene,” 27, kapwa residente ng Plaridel. Sa operasyon ng Station Drug Enforcement Unit (

Isha Reyes
Aug 261 min read


18-anyos na babae, sugatan sa self-accident sa Pulilan
PULILAN, Bulacan — Sugatan ang isang 18-anyos na babae matapos maaksidente sa tapat ng 7-Eleven sa Dulong Malabon Bypass, Pulilan, Bulacan, bandang alas-7:42 ng gabi noong Agosto 25. Batay sa paunang ulat, ang insidente ay naitala bilang self-accident. Ang biktima, na residente ng Brgy. Dulong Malabon, ay nagtamo ng mga galos sa mukha at sa itaas at ibabang bahagi ng katawan. Agad na binigyan ng paunang lunas ang biktima sa lugar ng insidente at sinuri ang kanyang vital signs
Nancy B. Cruz
Aug 261 min read


28 wanted persons, arestado sa magkakasunod na operasyon ng Bulacan PNP
BULACAN — Umabot sa 28 wanted persons ang naaresto ng mga operatiba ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa serye ng warrant operations na isinagawa sa iba't ibang bahagi ng lalawigan noong Agosto 25. Ayon sa Bulacan PPO, 27 sa mga wanted person ang naaresto at isinailalim sa kaukulang proseso, habang isa naman ang kasalukuyang nakapiit matapos maisilbi ang warrant of arrest. Isinagawa ang mga operasyon ng iba't ibang City at Municipal Police Stations sa Bulacan. Pinakam

Isha Reyes
Aug 261 min read


‘Pulilenyong Matatag’: Preventive Drug Education at Life Skills Program isinagawa para sa kabataang Pulilenyo
PULILAN, Bulacan — Isinagawa ngayong Agosto 26 ang “Pulilenyong Matatag: Preventive Drug Education and Life Skills Development Program” sa Conference Room, 2nd Floor ng Old Municipal Building sa Pulilan. Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang programa katuwang ang Pulilan Municipal Police Station (PNP Pulilan) at sa pakikipag-ugnayan sa Local Youth Development Office (LYDO) at Sangguniang Kabataan Federation of Pulilan. Dinaluhan ang aktib
Lex Aya-ay
Aug 261 min read


Suspek sa robbery-holdap sa Bulakan, nasawi sa engkuwentro sa Malolos
MALOLOS CITY, Bulacan — Nasawi ang isang lalaking itinuturong suspek sa robbery-holdap matapos umanong makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng pulisya sa isinagawang hot pursuit operation sa Purok 5, Brgy. Santisima, Malolos City, dakong alas-11:00 ng gabi noong Agosto 25. Ayon sa ulat ni PLTCOL Lynelle F. Solomon, hepe ng Bulakan Municipal Police Station (MPS), ang nasawing lalaki ay residente ng Brgy. Santisima at itinuturong suspek sa isang robbery-holdap na naganap sa
Nancy B. Cruz
Aug 261 min read


Agosto 30, Special Non-Working Holiday sa buong Bulacan
BULACAN — Idineklara ang Agosto 30, 2026 bilang Special Non-Working Holiday sa buong Lalawigan ng Bulacan bilang paggunita sa ika-176 na anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Marcelo H. del Pilar. Ang paggunita ay alinsunod sa Republic Act No. 7449 at Memorandum No. DRF-08172026-524. Si Marcelo H. del Pilar, isang kilalang Bulakenyong propagandista at manunulat, ay isa sa mga pangunahing personalidad ng Propaganda Movement na nagsulong ng mga reporma at karapatan ng mga Pilipino

Isha Reyes
Aug 261 min read


Dating Atsani tuluyan nang nalusaw; wala nang LPA na binabantayan para sa posibleng bagyo
PILIPINAS — Tuluyan nang nalusaw ang Low Pressure Area (LPA 08h), na dating Tropical Storm Atsani, batay sa monitoring update alas-2:00 ng madaling araw ngayong Agosto 26. Samantala, wala nang ibang Low Pressure Area na kasalukuyang binabantayan para sa posibleng tropical cyclone formation. Patuloy pa ring pinapayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na weather bulletin at update mula sa DOST-PAGASA.

Eury Peralta
Aug 261 min read


Saudel, Atsani at dating Neneng, patuloy na binabantayan sa labas ng PAR
PILIPINAS — Tatlong weather system ang patuloy na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), batay sa monitoring update alas-2:00 ng madaling araw ngayong Agosto 25. Nananatili sa labas ng PAR ang Typhoon Saudel, na dating pinangalanang Obet habang nasa loob ng PAR. Samantala, patuloy na humihina ang Tropical Storm Atsani at inaasahang magiging Tropical Depression habang nananatili sa labas ng PAR. Humina na rin bilang Low Pressure Area (LPA 08f) ang Tr

Eury Peralta
Aug 251 min read


WALANG PASOK: Klase sa lahat ng antas sa Pulilan suspendido ngayong Agosto 25
PULILAN, Bulacan — Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Pulilan ngayong Agosto 25, 2026, Martes, dahil sa patuloy na masamang lagay ng panahon at malakas na pag-ulan. Hinihikayat naman ang mga paaralan na ipatupad ang Alternative Learning Modalities (ALM) o iba pang angkop na paraan ng pagkatuto kung kinakailangan. Pinapayuhan ang mga Pulilenyo na manatiling alerto at mag-ingat, partikular sa mga lugar na maaaring makaranas ng
Lex Aya-ay
Aug 251 min read


Typhoon Obet lumabas na ng PAR; Atsani at Gaenari patuloy na binabantayan
PILIPINAS — Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Obet alas-9:30 ng gabi ngayong Agosto 24. Batay sa monitoring update, nasa loob pa ng PAR ang bagyo alas-8:00 ng gabi bago tuluyang lumabas makalipas ang mahigit isang oras. Patuloy itong binabantayan habang kumikilos sa labas ng PAR. Samantala, nananatili ring binabantayan sa labas ng PAR ang Tropical Storm Atsani at Tropical Depression Gaenari, na dating Tropical Depression Neneng. Pinapayuhan ang

Isha Reyes
Aug 241 min read


Apat na wanted person, arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Bulacan
BULACAN — Apat na wanted person ang naaresto ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa magkakahiwalay na warrant operations sa Balagtas, City of San Jose del Monte, Guiguinto, at Meycauayan City noong Agosto 22. Sa Balagtas, naaresto ang isang 58-anyos na lalaki sa Brgy. Burol 1st sa bisa ng warrant para sa dalawang bilang ng paglabag sa Section 5(B) ng Republic Act No. 7610. Isinagawa ang operasyon ng Balagtas MPS katuwang ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs). N
Nancy B. Cruz
Aug 242 min read
bottom of page


