top of page
All Articles
Search


2 lalaki arestado kaugnay ng serye ng pagnanakaw; junkshop sa Pulilan iniimbestigahan
Photo Courtesy: Mark Cholo Violago PULILAN, Bulacan — Dalawang lalaki ang naaresto kaugnay umano ng serye ng pagnanakaw ng mga bakal, kable at iba pang mahahalagang kagamitan sa ilang lugar sa distrito. Kinilala ang mga naaresto na sina Melvin Torres, 30, residente ng Barangay Balatong A, Pulilan, at Gerby “Dado” Yambao, 43, residente ng Barangay Tibagan. Ayon sa paunang impormasyon, iniuugnay ang dalawa sa ilang insidente ng pagnanakaw ng mga metal, kable at iba pang kagam
Lex Aya-ay
Aug 311 min read


Ipo, Binga at Ambuklao Dam nagpakawala ng tubig kasunod ng malakas na ulan
BULACAN — Nagpakawala ng tubig ang Ambuklao, Binga at Ipo Dam nitong Lunes ng umaga, Agosto 31, kasunod ng ilang araw na malakas na pag-ulang dulot ng Southwest Monsoon o Habagat sa Luzon. Batay sa datos ng PAGASA alas-8:00 ng umaga, walong gate ng Ambuklao Dam sa Benguet ang nakabukas sa limang metro at nagpapakawala ng tubig sa rate na 644.24 cubic meters per second (cms). Apat lamang na gate nito ang nakabukas noong Linggo. Pinag-iingat ang mga komunidad sa downstream area
Xander Tiongson
Aug 311 min read


Iba’t ibang sektor sa Bulacan nagtipon kontra reklamasyon, mga proyektong umano’y nagpapalala ng pagbaha
BULACAN — Nagtipon ngayong Agosto 31 ang iba't ibang sektor sa Bulacan upang manawagan ng pananagutan kaugnay ng mga suliraning pangkalikasan at tutulan ang mga proyektong anila'y nakaaapekto sa kalikasan at kabuhayan ng mga Bulakenyo. Kabilang sa mga isinusulong ng grupo ang pagtutol sa mga reclamation project at iba pang development na ayon sa kanila ay maaaring makapagpalala sa pagbaha at makapinsala sa kabuhayan ng mga komunidad. Nakiisa rin sa pagkilos ang Bulacan State

Eury Peralta
Aug 311 min read


Bahagi ng NLEX sa San Simon binaha; San Fernando SB Entry pansamantalang isinara
PAMPANGA — Naglabas ng traffic advisory ang NLEX Corporation dahil sa water buildup at pagbaha sa bahagi ng San Simon, na nagdudulot ng mabigat na trapiko ngayong Lunes, Agosto 31. Batay sa update alas-8:00 ng umaga, maaaring dumaan ang mga motorista na patungong San Simon Northbound at Southbound sa San Simon Exit at muling pumasok sa NLEX sa San Simon Entry upang makaiwas sa bahaging binaha. Pansamantala namang isinara ang San Fernando Southbound Entry dahil sa mabigat na t

Isha Reyes
Aug 311 min read


MERALCO nag-donate ng computer units sa Bulacan Police Provincial Office
Photo Courtesy: Bulacan Police Provincial Office BULACAN — Nakatanggap ng mga computer unit ang Bulacan Police Provincial Office (PPO) mula sa Manila Electric Company (MERALCO) bilang suporta sa pagpapahusay ng administrative at operational capabilities ng kapulisan. Tinanggap ni PCOL Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, ang donasyon mula sa MERALCO na kinatawan ni Marco Polo Pablo, Lead ng North Area Corporate Security Management. Ayon sa Bulacan PPO,
Lex Aya-ay
Aug 311 min read


Bulacan makararanas ng panaka-nakang ulan dulot ng Habagat; flash flood, landslide posible
BULACAN — Panaka-nakang pag-ulan ang inaasahan sa Bulacan ngayong Lunes, Agosto 31, dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa 24-Hour Public Weather Forecast ng PAGASA. Sa forecast na inilabas alas-4:00 ng madaling araw, maaaring makaranas ang Bulacan ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan, na posibleng magdulot ng flash flood at landslide, partikular sa mga lugar na mababa, flood-prone, at bulubundukin. Mas malalakas na monsoon rains naman ang in
Nancy B. Cruz
Aug 311 min read


‘Pilandok’ nananatiling Tropical Depression; hindi inaasahang mag-landfall sa Pilipinas
PILIPINAS — Napanatili ng Tropical Depression Pilandok ang lakas nito habang mabagal na kumikilos pahilagang-kanluran sa karagatan sa silangan ng Extreme Northern Luzon, ayon sa PAGASA nitong Linggo, Agosto 30. Batay sa Tropical Cyclone Bulletin No. 2 na inilabas alas-5:00 ng hapon, namataan ang sentro ng Pilandok bandang alas-4:00 ng hapon sa layong 1,180 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon. Taglay nito ang maximum sustained winds na 45 kilometro kada oras malapit s
Lex Aya-ay
Aug 302 min read


Mga pamilyang apektado ng baha, sirang riprap sa Pulilan nakatanggap ng mainit na sopas
PULILAN, Bulacan — Namahagi ng mainit na sopas sa mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center sa Barangay Poblacion, Tibag at Cutcot dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha sa Pulilan. Isinagawa ang pamamahagi kasama ang AIC Volunteers bilang agarang tulong sa mga residenteng napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa epekto ng masamang panahon. Sa evacuation center sa Barangay Cutcot, kabilang sa mga pansamantalang nanunuluyan ang mga pami

Isha Reyes
Aug 301 min read


Buntis nanganak sa loob ng police mobile habang binabagtas ang baha sa Meycauayan
MEYCAUAYAN CITY, Bulacan — Ligtas na naisilang ng isang buntis ang kanyang sanggol sa loob ng police mobile car habang isinusugod siya sa ospital sa gitna ng pagbaha sa Meycauayan City madaling araw ngayong Agosto 30. Ayon sa Bulacan Police Provincial Office (PPO), bandang alas-1:00 ng madaling araw ay nagsasagawa ng traffic assistance at monitoring ang mga tauhan ng Meycauayan City Police Station sa mga bahang lugar malapit sa tulay sa Barangay Banga nang lapitan sila ng isa

Eury Peralta
Aug 301 min read


Kapanganakan ni Gat Marcelo H. del Pilar ginunita sa Dampol 1st, Pulilan
PULILAN, Bulacan — Ginunita ngayong Agosto 30 sa Rufino A. Cruz Memorial Elementary School sa Barangay Dampol 1st ang kapanganakan ng bayaning Bulakenyo na si Gat Marcelo H. del Pilar. May temang “Paggunita sa Kasaysayan, Susi sa Kaayusan ng Pamayanan,” ang programa ay pinangunahan ni Barangay Dampol 1st Punong Barangay Gerardo T. Arellano at dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng komunidad. Nakiisa rin sa paggunita si Vice Mayor Atty. Imee Cruz, na kasama ng mga dumalo sa p
Xander Tiongson
Aug 301 min read


Yellow Rainfall Warning nakataas sa 11 lugar sa Bulacan; pagbaha posible
BULACAN — Nasa ilalim ng Yellow Rainfall Warning ang 11 lungsod at bayan sa Bulacan dahil sa patuloy na pag-ulan, kung saan posible ang pagbaha sa mga flood-prone area. Kabilang sa nasa Yellow Warning ang Angat, Meycauayan, San Jose del Monte, Doña Remedios Trinidad, Marilao, Norzagaray, Obando, San Ildefonso, San Miguel, San Rafael at Santa Maria. Nakataas din ang Yellow Rainfall Warning sa ilang bahagi ng Metro Manila, Nueva Ecija, Cavite, Batangas at Rizal. Sa ilalim ng Ye
Lex Aya-ay
Aug 301 min read


LPA 08j pumasok sa PAR; mataas ang tsansang maging Tropical Depression
PILIPINAS — Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA 08j) at may mataas na posibilidad na maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras, ayon sa PAGASA. Batay sa monitoring alas-2:00 ng madaling araw ngayong Linggo, Agosto 30, nananatiling “HIGH” ang tsansa ng LPA 08j na maging isang ganap na Tropical Depression. Samantala, patuloy ding binabantayan sa labas ng PAR ang Tropical Depression Saudel, na dating tinawag na “Obet” h
Xander Tiongson
Aug 301 min read
bottom of page


