top of page
All Articles
Search


Sandigan ng Munting Tahanan.
Sa kabila ng pagod at init ng araw, patuloy na nagsisikap si Alfredo Santos Sr., 65, upang maitaguyod at mabuo ang pinapangarap na tahanan para sa kaniyang pamilya sa Dampol 2nd A, Pulilan, Bulacan nitong ika-21 ng Mayo. Aniya, mahalagang araw-araw ang pagtatrabaho upang unti-unting maitatag ang bahay na kanilang pinag-ipunan at magiging tahanan ng kaniyang pamilya.

Jeth Steven S. Recio
May 211 min read


Rondina, Pons tumaob kontra Danish duo na Bisgaard at Høg
Lagapak ang volleyball duo na sina matapos patalsikin ng Danish tandem na sina Sofia Bisgaard at Cirkeline Høg sa iskor na 19-21, 17-21 sa Volleyball World Beach Pro Tour Nuvali Challenge nitong hapon ng Miyerkules, ika-21 ng Mayo, na ginanap sa Nuvali Sand Courts, Laguna, Philippines. Sa simula pa lamang ng unang set, mabilis na nakapuntos sina Rondina at Pons gamit ang malalakas na palo na nagbigay sa kanila ng bentahe habang pilit hinahabol ng Danish players ang iskor, 5-

Jeth Steven S. Recio
May 212 min read


Muling Isinailalim sa Yellow Alert ang Visayas Grid
MANILA — Muling isinailalim sa yellow alert ang Visayas grid ngayong Huwebes, Mayo 21, 2026, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Sa abiso ng NGCP, epektibo ang yellow alert mula alas-4 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi dahil sa manipis na reserbang suplay ng kuryente sa rehiyon. Ayon sa NGCP, may 11 power plants na hindi pa rin nakakapag-operate mula pa noong Mayo, habang may isa pang planta na hindi gumagana simula pa noong Marso. Dahil dito, bumaba
Jasmine A. Bactol
May 211 min read


Ginawang Produkto ang Atensyon
Sa panahon ngayon, hindi na katotohanan ang pangunahing basehan ng halaga—kundi atensyon. Sa social media, mas pinakikinggan ang may maraming followers kaysa sa may sapat na kaalaman. Mas mabilis na sumikat ang viral kaysa sa makatotohanan. Ito ang mukha ng digital validation culture: isang kulturang unti-unting ginagawang negosyo at kompetisyon ang pangangailangan ng tao na matanggap at mapansin. Halos lahat ngayon ay nakatuon sa validation. Hindi na simpleng pagpo-post ang
Jasmine A. Bactol
May 202 min read


BIR, itinaas sa 80k ang threshold sa write-off ng tax delinquent accounts
Naglabas ng bagong memorandum order ang Bureau of Internal Revenue (BIR) upang amyendahan ang polisiya kaugnay ng pangongolekta ng mga delinquent accounts at accounts receivable na may kaugnayan sa buwis. Sa inilabas na Revenue Memorandum Order No. 011-2026 na pirmado ni Commissioner Charlito Martin R. Mendoza noong Mayo 12, itinaas ng BIR mula ₱20,000 tungo ₱80,000 ang “cost to collect threshold” para sa Accounts Receivable/Delinquent Accounts (AR/DA). Ayon sa memorandum, la
Queen Icelle R. De Jesus
May 201 min read


Bawas Pasanin o Pagkawala ng Oportunidad?
Sa loob ng mahigit isang dekada, bahagi na ng sistema ng edukasyon sa bansa ang K-12 Program. Ngunit sa kasalukuyan, muling naging mainit na paksa ang usapin sa edukasyon matapos imungkahi ni Senador Robin Padilla ang pagtanggal sa Senior High School at ang pagbabalik sa dating sistema ng pag-aaral na binubuo lamang ng kindergarten, anim na taon sa elementarya at apat na taon sa high school. Ayon sa kanya, ang layunin niyang bawasan ang pasanin ng mga magulang at mag-aaral. B

KL G. Adriano
May 202 min read


MRT-7 sa San Jose del Monte: Pag-unlad para kanino?
MRT-7 sa San Jose del Monte: Pag-unlad para kanino?
Cedrick D. De Jesus
May 191 min read


Sa Likod ng Uniporme: Gabi ang kaantabay
Kapag natutulog na ang karamihan sa lungsod, may isang grupo ng tao na nananatiling gising—mga security guard na tahimik na nagbabantay sa mga gusali, eskinita, at pasilidad na walang ibang tao kundi sila at ang dilim ng gabi. Isa sa kanila si “Mang Romy” (hindi tunay na pangalan), isang security guard na naka-assign sa isang maliit na commercial building. Araw-araw, o mas tamang sabihin ay gabi-gabi, nagsisimula ang kanyang shift bandang alas-diyes ng gabi hanggang alas-sais
Jasmine A. Bactol
May 192 min read


Hawak-Kamay sa Pagkatuto
Upang mahasa ang kanilang kakayahan sa roller skating, ginagabayan ni Princess Elaiza Moster, 8, ang kaniyang pinsan na si Jillian Antoinette Recio, 4, sa Tibag Covered Court nitong ika-18 ng Mayo. Aniya, “Pinayagan naman po si Jillian ng mama niya na mag-skate, kaya hinatid po kami ng pinsan namin sa court para makapagpraktis dahil hindi po lubak ang daan dito.”

Jeth Steven S. Recio
May 181 min read


Kapag Tinatanggal ang mga Tinig ng Oposisyon
Senator Bam Aquino (Photo courtesy of Senate PRIB) Sa politika ng Pilipinas, hindi na bago ang pagtatanggal sa mga boses na madalas magtanong, kumwestyon, at kumontra. Ngunit kapag ang mga pangalang gaya ni Bam Aquino ang napupuntirya, mas nagiging malinaw na hindi lang simpleng “political move” ito—isa rin itong mensahe kung sino ang gustong manatiling may boses at sino ang gustong patahimikin. Sa loob ng maraming taon, nakilala siya bilang isa sa mga personalidad na patu

Eury Peralta
May 182 min read


Sara Duterte sa PMA Grads: “Ipagtanggol ang Bansa”
BAGUIO CITY, Mayo 17, 2026 — Hinikayat ni Vice President Sara Duterte ang mga bagong nagtapos ng Philippine Military Academy (PMA) na manatiling matatag sa pagprotekta sa bansa laban sa mga banta sa soberanya at kalayaan ng mamamayan. Sa kanyang video message para sa PMA “Talang Dangal” Class of 2026, binigyang-diin ni Duterte ang kahalagahan ng integridad, tapang, at dedikasyon sa serbisyo publiko habang sinisimulan ng mga bagong opisyal ang kanilang tungkulin sa Sandatahang
Jasmine A. Bactol
May 171 min read


Media Training on Live Reporting Isinagawa sa Pulilan, Bulacan
PULILAN, BULACAN — Matagumpay na isinagawa ang isang Media Training on Live Reporting noong Sabado, Mayo 16, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi, sa VM AIC Headquarters na matatagpuan sa Brgy. Sto. Cristo, Pulilan, Bulacan. Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Salin-lente, na aktibong nakibahagi sa buong araw na pagsasanay upang mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa larangan ng live reporting at media broadcasting. Naging tagapagturo sa nasabing aktibidad
Jasmine A. Bactol
May 171 min read
bottom of page


