top of page
All Articles
Search


15 residente ng Poblacion sumailalim sa Basic Life Support at First Aid Training sa Pulilan
PULILAN, Bulacan — Labinlimang kalahok mula sa Barangay Poblacion ang sumailalim sa Basic Life Support (BLS) and Community First Aid Training na isinagawa noong Agosto 27 at 28 sa Pulilan Central School Training Center. Nakatuon ang dalawang araw na pagsasanay sa pagpapalawak ng kaalaman at praktikal na kakayahan ng mga kalahok sa first aid, emergency response, at basic life-saving techniques na maaaring magamit sa panahon ng aksidente at iba pang emergency. Ang aktibidad ay

Isha Reyes
Aug 291 min read


Mainit na sopas ipinamahagi sa mga tricycle driver sa Pulilan sa gitna ng malakas na ulan
PULILAN, Bulacan — Namahagi ng mainit na sopas sa mga tricycle driver na patuloy na namamasada sa kabila ng malakas at walang tigil na pag-ulan sa Pulilan ngayong Agosto 29. Pinangunahan ang pamamahagi sa tulong ni Ate Dulce at ng AIC Volunteers bilang munting ayuda at pasasalamat sa mga tricycle driver na patuloy na naghahanapbuhay at nagseserbisyo sa mga pasahero sa gitna ng masamang panahon. Nagpaabot naman si Vice Mayor Atty. Imee Cruz ng pagkilala sa sipag at tiyaga ng m
Lex Aya-ay
Aug 291 min read


MPower magsusuplay ng kuryente sa manufacturing facilities ng Big Ben Group sa Pulilan
Photo Courtesy: www.mb.com.ph PULILAN, Bulacan — Nakakuha ang MPower, retail electricity unit ng Manila Electric Co. (Meralco), ng kasunduan upang magsuplay ng kuryente sa manufacturing facilities ng Big Ben Group sa Pulilan, Bulacan. Sa pahayag ng MPower noong Agosto 26, sinabi nitong layunin ng partnership na mabigyan ang Big Ben Group ng reliable at cost-competitive na suplay ng kuryente para suportahan ang kasalukuyang manufacturing operations at pangmatagalang expansion

Isha Reyes
Aug 281 min read


Boy Official 2026, naranasan ang aktuwal na operasyon ng BJMP Pulilan
Photo Courtesy: Pulilan Municipal Jail PULILAN, Bulacan — Binigyan ng pagkakataon ang isang kalahok ng Boy/Girl Officials 2026 na masaksihan at maranasan ang aktuwal na operasyon ng Pang-Munisipyong Piitan ng Pulilan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan. Si Angelo Peralta ang itinalagang counterpart ni JINSP Brenden Y. Doria, Acting Jail Warden ng Pulilan Municipal Jail, matapos ang panunumpa ng mga Boy/Girl Officials 2026. Bilang bahagi ng kanyang exposure, ini

Eury Peralta
Aug 281 min read


Lalaki arestado sa Pulilan matapos umano’y magbanta online; nahaharap sa patong-patong na kaso
PULILAN, Bulacan — Nahaharap sa ilang kaso ang isang lalaking kinilala sa alyas na “Wil” matapos siyang arestuhin ng mga tauhan ng Pulilan Municipal Police Station (MPS) sa isang barangay sa Pulilan. Ayon sa Pulilan PNP, nahaharap ang suspek sa apat na bilang ng Grave Threats in relation to Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act, Direct Assault laban sa Persons in Authority, at paglabag sa Batas Pambansa Blg. 6 kaugnay ng umano’y illegal possession of a deadly wea

Eury Peralta
Aug 271 min read


SSS Palengke Caravan, inilunsad sa Pulilan Public Market
PULILAN, Bulacan — Inilapit ng Social Security System (SSS) ang iba't ibang serbisyo nito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng SSS Palengke Caravan ngayong Agosto 28 sa New Pulilan Public Market. Isinagawa ang caravan mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon sa 2nd Floor Conference Room ng palengke upang mas mapadali ang pagproseso ng mga transaksyon ng mga stall owner, vendor, mamimili, pensioner, at iba pang residente ng Pulilan. Kabilang sa mga serbisyong maaaring
Nancy B. Cruz
Aug 271 min read


18-anyos na babae, sugatan sa self-accident sa Pulilan
PULILAN, Bulacan — Sugatan ang isang 18-anyos na babae matapos maaksidente sa tapat ng 7-Eleven sa Dulong Malabon Bypass, Pulilan, Bulacan, bandang alas-7:42 ng gabi noong Agosto 25. Batay sa paunang ulat, ang insidente ay naitala bilang self-accident. Ang biktima, na residente ng Brgy. Dulong Malabon, ay nagtamo ng mga galos sa mukha at sa itaas at ibabang bahagi ng katawan. Agad na binigyan ng paunang lunas ang biktima sa lugar ng insidente at sinuri ang kanyang vital signs
Nancy B. Cruz
Aug 261 min read


‘Pulilenyong Matatag’: Preventive Drug Education at Life Skills Program isinagawa para sa kabataang Pulilenyo
PULILAN, Bulacan — Isinagawa ngayong Agosto 26 ang “Pulilenyong Matatag: Preventive Drug Education and Life Skills Development Program” sa Conference Room, 2nd Floor ng Old Municipal Building sa Pulilan. Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang programa katuwang ang Pulilan Municipal Police Station (PNP Pulilan) at sa pakikipag-ugnayan sa Local Youth Development Office (LYDO) at Sangguniang Kabataan Federation of Pulilan. Dinaluhan ang aktib
Lex Aya-ay
Aug 261 min read


WALANG PASOK: Klase sa lahat ng antas sa Pulilan suspendido ngayong Agosto 25
PULILAN, Bulacan — Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Pulilan ngayong Agosto 25, 2026, Martes, dahil sa patuloy na masamang lagay ng panahon at malakas na pag-ulan. Hinihikayat naman ang mga paaralan na ipatupad ang Alternative Learning Modalities (ALM) o iba pang angkop na paraan ng pagkatuto kung kinakailangan. Pinapayuhan ang mga Pulilenyo na manatiling alerto at mag-ingat, partikular sa mga lugar na maaaring makaranas ng
Lex Aya-ay
Aug 251 min read


Apat na wanted person, arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Bulacan
BULACAN — Apat na wanted person ang naaresto ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa magkakahiwalay na warrant operations sa Balagtas, City of San Jose del Monte, Guiguinto, at Meycauayan City noong Agosto 22. Sa Balagtas, naaresto ang isang 58-anyos na lalaki sa Brgy. Burol 1st sa bisa ng warrant para sa dalawang bilang ng paglabag sa Section 5(B) ng Republic Act No. 7610. Isinagawa ang operasyon ng Balagtas MPS katuwang ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs). N
Nancy B. Cruz
Aug 242 min read


No. 9 Regional Most Wanted, arestado sa Sarangani; nahaharap sa 4 kaso sa ilalim ng Child Protection Law
SARANGANI — Naaresto ng Philippine National Police (PNP) ang isang indibidwal na nakalista bilang No. 9 Regional Most Wanted Person sa isinagawang operasyon sa Glan, Sarangani noong Agosto 22. Pinagsanib na puwersa ng PNP Anti-Kidnapping Group–Mindanao Field Unit, Glan Municipal Police Station, at Sarangani Maritime Police Station ang nagsagawa ng operasyon sa bisa ng warrant of arrest. Nahaharap ang naarestong indibidwal sa apat na bilang ng paglabag sa Republic Act No. 7610
Lex Aya-ay
Aug 241 min read


Regional Most Wanted ng PRO 4A, arestado sa Guiguinto, Bulacan
GUIGUINTO, Bulacan — Naaresto ng mga operatiba ng Guiguinto Municipal Police Station (MPS), katuwang ang San Pablo City Police Station, ang isang lalaking nakalista bilang Regional Most Wanted Person ng Police Regional Office 4A sa isinagawang manhunt operation sa Brgy. Tuktukan, Guiguinto noong Agosto 23. Ayon kay PLTCOL Francis B. Magadia, Chief of Police ng Guiguinto MPS, kinilala ang naaresto sa alyas na “Jan,” 38, residente ng Brgy. Tuktukan. Isinagawa ang pagkakaaresto

Eury Peralta
Aug 241 min read
bottom of page


