top of page
All Articles
Search


Pulilan PNP at Rescue Team rumesponde sa aksidente sa DRT Highway
PULILAN, Bulacan — Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Pulilan Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Pulilan Rescue Team sa isang vehicular accident na kinasasangkutan ng motorsiklo sa kahabaan ng DRT Highway, Pulilan, Bulacan ngayong umaga. Nagsagawa ng agarang pagtugon ang mga awtoridad sa lugar upang matulungan ang mga sangkot sa insidente at matiyak ang kaligtasan sa bahagi ng kalsada kung saan naganap ang aksidente. Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ng Pulilan P

Isha Reyes
Aug 241 min read


Boy & Girl Officials 2026 nakiisa sa ika-31 sesyon ng Sangguniang Bayan ng Pulilan
PULILAN, Bulacan — Isinagawa ngayong araw ang Ika-31 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Ika-12 Sangguniang Bayan ng Pulilan, sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz bilang Presiding Officer. Naging bahagi ng sesyon ang mga Boy & Girl Officials 2026 counterparts ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, na nabigyan ng pagkakataong aktuwal na masaksihan kung paano isinasagawa ang isang regular na pagpupulong ng lokal na lehislatura. Nasaksihan ng mga kabataan ang proseso ng pagtalak

Eury Peralta
Aug 241 min read


Pulilan MDRRMC nagsagawa ng emergency meeting kaugnay ng epekto ng mga bagyo at Habagat
PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ng emergency meeting ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Pulilan ngayong Agosto 24 sa 2nd Floor Conference Hall ng Old Municipal Building. Pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang Situational Report hinggil sa pinagsamang epekto ng mga Bagyong Maymay, Luis, at Neneng, gayundin ng Southwest Monsoon o Habagat, sa bayan. Sinuri sa pagpupulong ang kasalukuyang kalagayan ng mga apektadong komunidad at ang naging epe
Lex Aya-ay
Aug 241 min read


Salin-Lente Batch 2 sumabak sa Photography Basics Training sa Pulilan
PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ng Photography Basics Training para sa Batch 2 members ng Salin-Lente mula sa St. Dominic Academy, Engr. Virgilio V. Dionisio Memorial High School, at Sta. Peregrina High School sa Pavilion II, AIC Headquarters sa Brgy. Sto. Cristo, Pulilan. Pinangunahan ang programa sa inisyatiba ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz bilang bahagi ng patuloy na pagsasanay sa mga kabataang campus journalist upang mahasa ang kanilang kakayahan alinsunod sa praktikal at kas

Eury Peralta
Aug 221 min read


43-anyos na babae, arestado sa kasong carnapping sa Pulilan
PULILAN, Bulacan — Arestado ang isang 43-anyos na babae na nahaharap sa kasong carnapping matapos ang isinagawang manhunt operation ng Regional Highway Patrol Unit 3 (RHPU-3) sa Brgy. Tibag, Pulilan, Bulacan. Kinilala ang akusado sa alyas na “Maria,” residente ng Brgy. Sabang, Baliwag City, Bulacan. Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon dakong alas-10:30 ng gabi sa bisa ng warrant of arrest, kung saan maayos na sumuko ang akusado sa mga awtoridad. Pinangunahan ang operasyon n

Eury Peralta
Aug 211 min read


Bulacan isinailalim sa State of Calamity dahil sa epekto ng mga bagyo at Habagat
https://www.facebook.com/PGBulacan BULACAN — Isinailalim sa State of Calamity ang buong Lalawigan ng Bulacan kasunod ng malawakang pinsala at epekto ng tuloy-tuloy na pag-ulan na dulot ng mga nagdaang bagyo at Southwest Monsoon o Habagat. Ang deklarasyon ay isinagawa sa bisa ng Panlalawigang Kapasyahan Blg. 708-T’2026 upang mapabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga Bulakenyong naapektuhan ng kalamidad. Sa ilalim ng deklarasyon, inaasahang mapapabilis

Eury Peralta
Aug 201 min read


Social Pension Payout sa Pulilan, ipinagpaliban dahil sa Habagat
PULILAN, Bulacan — Ipinagpaliban ang nakatakdang Social Pension Payout para sa mga benepisyaryo sa SM Center Pulilan ngayong Agosto 19 dahil sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat. Ang pagpapaliban ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 129 ng Office of the President, na sumasaklaw sa Bulacan at iba pang lugar na maaaring makaranas ng pagbaha at mapanganib na kondisyon sa pagbiyahe. Isinagawa ang hakbang bilang pag-iing
Nancy B. Cruz
Aug 181 min read


Wanted sa kasong robbery, arestado ng Pulilan PNP
PULILAN, Bulacan — Arestado ng Tracker Team ng Pulilan Municipal Police Station (MPS) ang isang lalaking wanted sa kasong robbery matapos isilbi ang warrant of arrest laban sa kanya. Kinilala ng pulisya ang akusado sa alyas na “Ram,” na nahaharap sa kasong Robbery sa ilalim ng Article 293 ng Revised Penal Code. Ang warrant of arrest ay inisyu ng Regional Trial Court Branch 43 ng Gingoog City, Misamis Oriental kaugnay ng Criminal Case No. 2025-9994. Nagtakda ang korte ng ₱72,0

Eury Peralta
Aug 171 min read


Ika-12 Marian Exhibit ng RECAM, binuksan sa Pulilan
PULILAN, Bulacan — Pormal na binuksan ang 12th Marian Exhibit ng Recamaderos de los Santos Imagenes de Pulilan (RECAM) sa isang gabi ng panalangin at debosyon sa Mahal na Birheng Maria. Bilang bahagi ng pagbubukas ng exhibit, isinagawa ang Banal na Misa sa pangunguna ni Most Rev. Deogracias S. Iñiguez, Jr., D.D., na dinaluhan ng mga deboto at miyembro ng komunidad. Nakiisa rin sa pagdiriwang si Vice Mayor Atty. Imee Cruz, na nagbahagi ng kanyang kagalakan matapos mapiling isa
Lex Aya-ay
Aug 171 min read


Angat Dam water level tumaas ng halos 30 metro matapos ang sunod-sunod na pag-ulan
Photo by Carmela Reyes-Estrope MALOLOS CITY, Bulacan — Umakyat ng halos 30 metro ang water level ng Angat Dam matapos ang halos tatlong linggong pag-ulan dulot ng mga Bagyong Luis at Maymay at ng Southwest Monsoon o Habagat. Batay sa datos ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), naitala sa 179.85 meters above sea level (masl) ang lebel ng tubig alas-6:00 ng umaga noong Agosto 14 bago ito umakyat sa 180.37 masl pagsapit ng alas-11:00 ng um
Lex Aya-ay
Aug 161 min read


Libreng almusal ipinamahagi sa mga residente ng Brgy. Tinejero
PULILAN, Bulacan — Namahagi ng libreng almusal sa mga residente ng Brgy. Tinejero ngayong umaga, Agosto 16, sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz, katuwang ang AIC Volunteers at mga kawani ng Office of the Vice Mayor. Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng patuloy na pagtulong sa mga komunidad na naapektuhan ng sunod-sunod na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat nitong mga nakaraang araw. Bagama't humupa na ang baha sa lugar, nananatiling problema ang makapal

Isha Reyes
Aug 161 min read


Klase sa lahat ng antas sa Pulilan, suspendido ngayong Agosto 17
PULILAN, Bulacan — Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Pulilan ngayong Lunes, Agosto 17, dahil sa patuloy na nararanasang masamang lagay ng panahon. Bilang alternatibo sa face-to-face classes, hinihikayat ang mga paaralan na magpatupad ng Alternative Learning Modalities (ALM) o iba pang angkop na paraan ng pagkatuto kung kinakailangan upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante. Pinapayuhan naman ang mga mag-aaral
Nancy B. Cruz
Aug 161 min read
bottom of page


