top of page
All Articles
Search


School safety drill isinagawa sa San Rafael, Bulacan kasunod ng mga insidente ng karahasan sa mga paaralan
SAN RAFAEL, Bulacan — Lumahok ang mga mag-aaral ng Carlos F. Gonzales High School sa Barangay Maguinao sa Nationwide Simultaneous School Safety Drill noong Huwebes, Setyembre 3. Pinangunahan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa Department of Education (DepEd), lokal na pamahalaan, at mga ahensiyang nakatutok sa public safety at disaster response. Layunin ng drill na palakasin ang seguridad at emergency preparedness ng mga paaralan at ihanda ang mga mag-aaral, guro at school
Nancy B. Cruz
Sep 31 min read


3 weather system binabantayan ng PAGASA; ‘Pilandok’ nasa loob pa rin ng PAR
Patuloy na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Pilandok, batay sa monitoring ng PAGASA-DOST alas-8:00 ng gabi ngayong Setyembre 2. Samantala, nananatili sa labas ng PAR ang Tropical Storm Saudel, na dating tinawag na “Obet,” gayundin ang LPA 08m. Ayon sa PAGASA, mayroon na lamang “low” chance ang LPA 08m na maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras. Sa kabuuan, tatlong weather system ang kasalukuyang binabantayan n
Xander Tiongson
Sep 21 min read


Habagat patuloy na magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon hanggang Setyembre 5
Patuloy na makararanas ng malalakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon sa mga susunod na araw dahil sa Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa Weather Advisory No. 45 ng PAGASA na inilabas alas-11:00 ng gabi ngayong Setyembre 2. Mula ngayong gabi hanggang bukas ng gabi, Setyembre 3, inaasahan ang 50–100 millimeters (mm) na ulan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Zambales at Bataan. Mula Huwebes ng gabi hanggang Biyernes ng gabi, Setyembre 4, pos

Eury Peralta
Sep 21 min read


Top 4 Most Wanted Person sa Bulacan, arestado sa Bulakan**BULAKAN, Bulacan
BULAKAN, Bulacan — Naaresto ng Bulakan Municipal Police Station (MPS) ang isang lalaking itinuturing na Top 4 Most Wanted Person sa provincial level sa isinagawang operasyon sa Barangay Sta. Ana, Bulakan, noong gabi ng Setyembre 1. Ayon sa ulat ni PLTCOL Lynelle F. Solomon, Chief of Police ng Bulakan MPS, kinilala ang naaresto bilang alias “Relly,” 50 taong gulang at residente ng nasabing barangay. Bandang alas-8:00 ng gabi nang isagawa ng Tracker Team ng Bulakan MPS, katuwan

Isha Reyes
Sep 21 min read


Supreme Court: HOA hindi maaaring pagbawalan ang delinquent homeowners na gumamit ng subdivision roads
MANILA, Philippines — Maaaring magpataw ng parusa ang homeowners’ associations (HOAs) sa mga miyembrong hindi nagbabayad ng association dues, ngunit hindi nila maaaring alisin ang karapatan ng homeowners na gumamit ng common areas tulad ng mga kalsada sa subdivision, ayon sa desisyon ng Supreme Court (SC). Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa, ibinasura ng Third Division ng SC ang petisyon ng mga dating director at officer ng La Costa Brava H
Nancy B. Cruz
Sep 22 min read


‘Pilandok’ binabantayan sa loob ng PAR; ‘Saudel,’ LPA 08m nananatili sa labas
Patuloy na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Pilandok, ayon sa monitoring ng DOST-PAGASA alas-2:00 ng hapon ngayong Setyembre 2. Samantala, nananatili sa labas ng PAR ang Tropical Storm Saudel, na dating tinawag na “Obet” habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility. Binabantayan din sa labas ng PAR ang LPA 08m. Ayon sa PAGASA, mayroon na lamang itong “low” chance na maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24

Eury Peralta
Sep 21 min read


Freshman Orientation Program isinagawa para sa mga bagong mag-aaral ng PUP Pulilan
PULILAN, Bulacan — Isinagawa ngayong Setyembre 2 ang Freshman Orientation Program ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) – Pulilan Campus para sa mga bagong mag-aaral na magsisimula ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Ginanap ang programa sa PUP Pulilan Covered Court, kung saan tinalakay ang mahahalagang impormasyon tungkol sa sistema, mga patakaran, programa at iba pang serbisyong dapat malaman ng mga estudyante sa kanilang pananatili sa unibersidad. Layunin ng or
Nancy B. Cruz
Sep 21 min read


Bigas, bota ipinamahagi sa mga pulis na naka-deploy sa mga binahang lugar sa Bulacan
Namahagi ng bigas at bota ang Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa mga personnel na patuloy na naka-deploy at nagsasagawa ng kanilang tungkulin sa mga lugar na apektado ng pagbaha dulot ng Southwest Monsoon o Habagat. Pinangunahan ni PCOL Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, ang pamamahagi bilang suporta sa mga pulis na nagsasagawa ng patrol, traffic assistance at iba pang tungkulin sa mga komunidad na apektado ng baha. Ayon sa Bulacan PPO, layunin
Lex Aya-ay
Sep 21 min read


‘Pilandok’ nananatiling Tropical Storm; posibleng lumabas ng PAR Huwebes ng madaling araw
Bahagyang bumagal ang Tropical Storm Pilandok (Krovanh) habang kumikilos sa Philippine Sea at nananatiling malayo sa kalupaan ng Pilipinas, ayon sa Tropical Cyclone Bulletin No. 12 ng PAGASA alas-5:00 ng umaga ngayong Setyembre 2. Huling namataan ang sentro ng bagyo alas-4:00 ng umaga sa 1,205 kilometro silangan-hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon. Taglay nito ang maximum sustained winds na 65 km/h at pagbugsong umaabot sa 80 km/h, habang kumikilos east-northeastward
Lex Aya-ay
Sep 21 min read


Sandiganbayan dinidinig ang graft case laban sa dating BI official kaugnay ng ‘pastillas’ scam
MANILA, Philippines — Isinasagawa ng Sandiganbayan 7th Division ang paglilitis sa graft case laban sa dating Bureau of Immigration (BI) official na si Red Mariñas kaugnay ng tinaguriang “pastillas” scam. Itinuturong umano si Mariñas na isa sa mga nanguna sa naturang scheme, na sinasabing nagpapadali sa pagpasok ng ilang Chinese nationals sa Pilipinas kapalit ng pera. Tinawag itong “pastillas” scam dahil ang perang umano’y ibinabayad kapalit ng espesyal na pagtrato sa immigrat
Xander Tiongson
Sep 21 min read


School safety drill para sa active attack incidents isinagawa sa tatlong paaralan sa Pulilan
PULILAN, Bulacan — Tatlong paaralan sa Pulilan ang lumahok sa Nationwide Simultaneous School Safety Drill for Active Attack Incidents ng Department of Education (DepEd) noong Agosto 25. Isinagawa nang sabay-sabay ang drill alas-9:00 ng umaga sa Segundo Esguerra Sr. Memorial Elementary School, Pulilan Central School, at Dampol B Elementary School. Nag-monitor sa pagsasagawa ng aktibidad ang Pulilan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) katuwang ang B
Xander Tiongson
Sep 11 min read


12 wanted persons, nasakote sa magkakasunod na operasyon ng Bulacan PNP
MALOLOS CITY, Bulacan — Labindalawang indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest ang naaresto o nasilbihan ng warrant sa magkakasabay na operasyon ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) noong Agosto 31. Ayon sa Bulacan PPO, isinagawa ang mga operasyon ng iba't ibang City at Municipal Police Stations at Provincial Mobile Force Companies sa lalawigan. Nakapagtala ng tig-isang pag-aresto o pagsisilbi ng warrant ang Malolos, Meycauayan at Baliwag City Police Stations; San

Isha Reyes
Sep 11 min read
bottom of page


