top of page
All Articles
Search


Dating Tropical Depression Josie, lumabas na ng PAR; dalawang LPA patuloy na binabantayan
Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA 07a), na dating Tropical Depression Josie, ayon sa weather bulletin ng PAGASA na inilabas alas-2:00 ng madaling araw ngayong Hulyo 15. Ayon sa PAGASA, ang LPA 07a ay kasalukuyan nang nasa labas ng PAR at mababa ang posibilidad na muli itong lumakas at maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras. Samantala, patuloy ding mino-monitor ang LPA 07b, na nananatili ring nasa labas ng PAR. T
Nancy B. Cruz
Jul 151 min read


Dalawang Low Pressure Area, patuloy na mino-monitor ng PAGASA
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) matapos humina ang mga ito mula sa pagiging tropical depression. Ayon sa weather bulletin na inilabas alas-8:00 ng gabi noong Hulyo 14, ang LPA 07a, na dating Tropical Depression Josie, ay nananatili sa loob ng PAR. Gayunman, sinabi ng PAGASA na mababa ang posibilidad na muli itong lumakas at maging tropical depression sa loob ng susunod na 2
Lex Aya-ay
Jul 141 min read


PhilHealth registration para sa mga 18 taong gulang pataas, bukas na sa Pulilan Municipal Health Office
PULILAN, Bulacan — Maaaring magparehistro bilang miyembro ng PhilHealth ang lahat ng mga residente ng Pulilan na may edad 18 taong gulang pataas sa Pulilan Municipal Health Office. Kinakailangan lamang na magsumite ng PhilHealth Membership Registration Form (PMRF), na maaaring kunin sa RHU 1, kasama ang PSA Birth Certificate o anumang valid government-issued ID tulad ng passport, driver's license, UMID, SSS, GSIS, o PRC ID. Isinasagawa ang pagpaparehistro sa Pulilan Municipal
Lex Aya-ay
Jul 141 min read


Livelihood training sa paggawa ng car shampoo at iba pang produkto, isinagawa sa Pulilan
PULILAN, Bulacan — Isinagawa noong Hulyo 8 ang Car Shampoo, Air Freshener, at Shampoo Bar Making Training sa PESO Training Center ng Pulilan bilang bahagi ng patuloy na programa ng lokal na pamahalaan para sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga residente. Layunin ng pagsasanay na mabigyan ang mga kalahok ng karagdagang kaalaman at kasanayan sa paggawa ng mga produktong maaaring maging pundasyon ng maliit na negosyo o karagdagang mapagkakakitaan. Sa pamamagitan ng livelihood trai
Lex Aya-ay
Jul 141 min read


Low Pressure Area sa labas ng PAR, may katamtamang tsansang maging tropical depression
Isang Low Pressure Area (LPA 07a) ang patuloy na mino-monitor ng PAGASA habang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa weather bulletin na inilabas alas-8:00 ng gabi noong Hulyo 12. Ayon sa PAGASA, ang nasabing LPA ay may katamtamang posibilidad (medium chance) na lumakas at maging isang tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras. Bagama't wala pa sa loob ng PAR ang sama ng panahon, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang paggalaw at pag-unlad nito
Nancy B. Cruz
Jul 121 min read


Klase sa lahat ng antas sa Pulilan, suspendido dahil sa Habagat at Bagyong Inday
PULILAN, Bulacan — Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Pulilan bukas, ayon sa anunsyo ng DILG Bulacan. Ang suspensyon ng klase ay ipinatupad dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat na pinalalakas ng Bagyong Inday. Pinapayuhan ang mga residente, lalo na ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang, na manatiling alerto sa lagay ng panahon at sundin ang mga abiso ng mga kinauukulang ahensya upang
Nancy B. Cruz
Jul 121 min read


Legal Awareness Seminar, isinagawa sa Brgy. Paltao
PULILAN, Bulacan — Nakiisa ang Tanggapan ng Pangalawang Punongbayan ng Pulilan, sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz, sa isinagawang Legal Awareness Seminar sa Brgy. Paltao Covered Court na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga residente hinggil sa mahahalagang batas at usaping pangkaligtasan. Tinalakay sa seminar ang iba't ibang paksa kaugnay ng Dangerous Drugs, Violence Against Women and Children (VAWC), at Child Protection, na pawang mahalagang isyu sa pagpapana
Lex Aya-ay
Jul 111 min read


Bagyong Bavi, lumabas na sa monitoring domain ng PAGASA
Lumabas na sa monitoring domain ng PAGASA ang Bagyong Bavi, na dating tinawag na Inday habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa weather bulletin na inilabas alas-8:00 ng gabi noong Hulyo 11. Dahil dito, wala nang aktibong binabantayang tropical cyclone ang PAGASA na maaaring makaapekto sa bansa sa kasalukuyan. Ayon pa sa ahensya, wala ring mino-monitor na Low Pressure Area (LPA) o anumang sama ng panahon na may posibilidad na mabuo bilang tropical
Lex Aya-ay
Jul 111 min read


BULACAN AT ILANG LUGAR SA LUZON, NAKARANAS NG BANTA NG MALAKAS NA ULAN DAHIL KAY BAGYONG INDAY AT HABAGA
MANILA — Naglabas ng Weather Advisory No. 17 ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration nitong Biyernes, Hulyo 10, kaugnay ng epekto ng Bagyong Inday at ng umiiral na Southwest Monsoon o Habagat. Ayon sa PAGASA, inaasahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Bulacan, Pampanga, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Zambales, Bataan, Oriental Mindoro, Romblon, Palawan at iba pang lalawigan mula ngayong araw hanggang Sabad
Nancy B. Cruz
Jul 101 min read


MERALCO nagtaas ng singil ngayong Hunyo
MANILA — Inanunsyo ng Manila Electric Company na tataas ng ₱0.3428 kada kilowatt-hour (kWh) ang singil sa kuryente ngayong Hulyo. Dahil dito, inaasahang madaragdagan ang buwanang bayarin ng mga konsyumer. Tinatayang tataas ng humigit-kumulang ₱68 ang bayarin ng mga gumagamit ng 200 kWh, ₱102 para sa 300 kWh, ₱136 para sa 400 kWh, at ₱170 para sa 500 kWh. Ayon sa Meralco, pangunahing dahilan ng pagtaas ng singil ang mas mataas na generation charge bunsod ng pagtaas ng presyo n
Lex Aya-ay
Jul 101 min read


Bagyong Inday, patuloy na binabantayan sa loob ng PAR
Patuloy na mino-monitor ng PAGASA ang Bagyong Inday, na may international name na Bavi, habang nasa loob ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa weather bulletin na inilabas alas-8:00 ng gabi noong Hulyo 10. Sa kasalukuyan, patuloy na sinusubaybayan ng state weather bureau ang galaw at lakas ng bagyo upang matukoy ang posibleng maging epekto nito sa iba't ibang bahagi ng bansa. Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko, lalo na ang mga nasa mga lugar na maaaring maape
Nancy B. Cruz
Jul 101 min read


Legal Advice ni Ate Vice: Namatay ang Agency Worker. Wala na Ba Talagang Makukuhang Benepisyo ang Pamilya?
Isa sa mga pinakamasakit na sitwasyong kinakaharap ng isang pamilya ay ang pagkawala ng kanilang mahal sa buhay, lalo na kung ito ang pangunahing naghahanapbuhay. Ngunit bukod sa pagdadalamhati, may isa pang tanong na madalas kong marinig mula sa mga naulila: "Attorney, sinabi ng agency na wala na raw kaming makukuhang benepisyo. Totoo ba iyon?" Sa maraming pagkakataon, ang sagot ko ay hindi agad. Marami pa ring manggagawa ang naniniwalang dahil sila ay dumaan sa isang manpow

Atty. Imee Cruz
Jul 92 min read
bottom of page


