top of page
All Articles
Search


Bagong LPA sa labas ng PAR, mataas ang posibilidad na maging Tropical Depression
PILIPINAS — Isang Low Pressure Area (LPA 08d) ang patuloy na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa monitoring update alas-2:00 ng hapon ngayong Agosto 11. Ang LPA 08d ay mayroon nang mataas (HIGH) na posibilidad na lumakas at maging isang Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras. Bagama't nananatili pa sa labas ng PAR ang naturang sama ng panahon, patuloy na binabantayan ang pag-unlad at galaw nito para sa anumang pagbabago sa kond

Eury Peralta
Aug 111 min read


300k toneladang basura, tumambad sa Baclaran
Agosto 10, 2026 - Tumambad ang tone-toneladang basura na umabot sa mahigit 300,000 tonelada o katumbas ng mahigit pa sa 600,000 kilo ng basura dulot ng pag-apaw ng creek sa Baclaran, Parañaque City. Ayon sa mga lokal na ahensya, ang estero na malapit sa Baclaran Church sa Parañaque City, ay umapaw dulot ng isang damakmak na basura. Kabilang na rito ang mga plastic, plastic bottles, cups, sachet, at iba pa. Nagbara ang estero na ito dahil sa patuloy na pagbugso ng malakas na u
Damaris Desiree Bernardo
Aug 111 min read


BFP Pulilan nagsagawa ng water level monitoring at clearing operations dahil sa Habagat
PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ng roving, water level monitoring, clearing operations, at coordination activities ang mga tauhan ng Pulilan Fire Station sa iba't ibang barangay sa bayan bilang tugon sa patuloy na epekto ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat. Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng pamumuno ni FSINSP Khenlee D. Bawing, Municipal Fire Marshal ng Pulilan Fire Station, sa superbisyon ni FSSUPT Jose Raymund B. Manimbo, Provincial Fire Marshal ng BFP Bulacan, at s

Eury Peralta
Aug 101 min read


Bulacan makararanas pa rin ng pag-ulan dahil sa Habagat; flash flood posible
BULACAN — Patuloy na makararanas ng paminsan-minsang pag-ulan ang Bulacan dahil sa Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa 24-Hour Public Weather Forecast ng PAGASA na inilabas alas-4:00 ng hapon ngayong Agosto 10. Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ang Bulacan ng moderate to heavy rains na maaaring magdulot ng flash floods, partikular sa mga mabababang lugar at komunidad na malapit sa mga ilog at iba pang daluyan ng tubig. Kasama rin sa mga lugar na inaasahang makararanas ng o

Isha Reyes
Aug 101 min read


Walang pasok sa maraming bayan at lungsod sa Bulacan sa Agosto 11 dahil sa Habagat
BULACAN — Nagdeklara ng suspensyon ng klase ang maraming lokal na pamahalaan sa Bulacan para bukas, Martes, Agosto 11, dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat. Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Angat, Balagtas, Baliwag City, Bocaue, Bulakan, Bustos, Calumpit, Guiguinto, Hagonoy, Malolos City, Meycauayan City, Norzagaray, Obando, Pandi, Paombong, Plaridel, Pulilan, San Ildefonso, City of San Jose del Mont

Eury Peralta
Aug 101 min read


AIC Volunteers namahagi ng lugaw sa mga residente ng Brgy. Dampol 1st
PULILAN, Bulacan — Namahagi ng mainit na lugaw ang VM AIC Volunteers sa mga residente ng Brgy. Dampol 1st bilang bahagi ng patuloy na pagtulong sa mga Pulilenyong naapektuhan ng maulang panahon. Sa kabila ng patuloy na pag-ulan, nagtungo ang mga volunteers sa komunidad upang maihatid ang mainit na pagkain at maipadama ang suporta sa mga residenteng nangangailangan. Ayon sa Tanggapan ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz, mahalagang patuloy na maiparamdam sa bawat mamamayan na walang

Isha Reyes
Aug 101 min read


Bulacan makararanas ng paminsan-minsang pag-ulan dahil sa Habagat
BULACAN — Patuloy na makaaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa Bulacan at iba pang bahagi ng Luzon ngayong Agosto 10, ayon sa 24-Hour Public Weather Forecast na inilabas ng PAGASA alas-4:00 ng madaling araw. Ayon sa PAGASA, makararanas ang Bulacan ng occasional rains o paminsan-minsang pag-ulan dulot ng Habagat. Posibleng maging katamtaman hanggang malakas ang mga pag-ulan na maaaring magdulot ng flash flood at landslide, partikular sa mga lugar na madaling bahain at lan

Eury Peralta
Aug 101 min read


Ipo Dam nagpakawala ng tubig; mga residente sa mabababang lugar pinag-iingat
BULACAN — Nagpakawala ng tubig ang Ipo Dam noong Agosto 9 kasunod ng patuloy na pagtaas ng antas ng tubig sa reservoir bunsod ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat. Ayon sa NIA Bulacan Irrigation Management Office, nagpakawala ang Ipo Dam, na pinangangasiwaan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ng 156.56 cubic meters per second (cms) ng tubig simula alas-1:00 ng hapon. Samantala, naitala sa 17.15 meters ang water level ng Angat Afterbay Regulator Dam

Isha Reyes
Aug 101 min read


Walang pasok sa lahat ng antas sa Bulacan sa Agosto 10
BULACAN — Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong Lalawigan ng Bulacan bukas, Lunes, Agosto 10, dahil sa posibleng epekto ng patuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat. Inihayag ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando ang suspensyon batay sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) bilang pag-iingat at upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga Bulakenyo

Isha Reyes
Aug 91 min read


Ilang lugar sa Pulilan, binaha dahil sa patuloy na pag-ulan
Poblacion, Pulong Tisya Sto. Cristo, Pulilan, PULILAN, Bulacan — Binaha ang ilang bahagi ng Bayan ng Pulilan kasunod ng patuloy na malakas na pag-ulan na nararanasan sa lugar. Kabilang sa mga naiulat na may pagbaha ang Purok 3 sa Brgy. Tibag, Brgy. Sto. Cristo, Brgy. Poblacion, at Pulong Tisya. Purok 3 Tibag, Pulilan Pinapayuhan ang mga motorista at residente na maging maingat sa pagdaan sa mga bahaging may mataas na tubig at iwasang tumawid sa baha kung hindi matiyak ang lal

Eury Peralta
Aug 91 min read


Dalawang Tropical Depression binabantayan sa labas ng PAR; Typhoon Dolphin posibleng muling pumasok sa monitoring domain
PILIPINAS — Dalawang Tropical Depression ang patuloy na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa monitoring update alas-2:00 ng madaling araw ngayong Agosto 9. Ang dalawang sama ng panahon, na dating tinukoy bilang LPA 08b at LPA 08c, ay kapwa nabuo bilang Tropical Depression habang nananatili sa labas ng PAR. Samantala, nakalabas na ang Typhoon Dolphin sa Tropical Cyclone Information Domain (TCID) ng PAGASA. Gayunman, patuloy itong mino-monit

Eury Peralta
Aug 91 min read


Red Rainfall Warning nakataas sa Bulacan; publiko pinag-iingat sa posibleng pagbaha
BULACAN — Nakataas sa RED Rainfall Warning Level ang ilang lalawigan, kabilang ang Bulacan, ayon sa weather advisory ng PAGASA alas-8:00 ng umaga ngayong Linggo, Agosto 9. Dahil sa malakas na pag-ulan, pinapayuhan ang mga residente ng Pulilan na manatiling alerto sa posibilidad ng pagbaha, partikular sa mga mabababang lugar at mga komunidad na malapit sa ilog at sapa. Hinihikayat ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather advisory at agad na lumikas kung

Isha Reyes
Aug 91 min read
bottom of page


